ram (part 5)

Part 5
hiwalayan blues

Ram, Part 5
(pinaiksing bersyon. mula sa series: "ang mga lalaki sa buhay ni red")


natutulala. nauubusan.
nawawala sa konsentrasyon.
lulong sa kontradiksyon ~
pag-ibig ba o pakikibaka?

si ram o ang bayan?


1992 up to 1993 was probably the most exciting year in youth and student activism. threatened ang left, windang ang mga tao to the point na kung anu-anong alternative ek-ek ang lumalabas. panahon ng hanayan. panahon ng hatian. parang mga batang nag-aagawan ng kendi. walang sinabi ang bangayan ng pro-Erap vs. anti-Erap; ang pro-GMA vs. anti-GMA, ABS-CBN vs. GMA, Nura vs. Velma.

lumalalim ang aking commitment sa pagiging aktibista habang bumubulusok ang "political career" ni ram.

mula sa pagiging spokesperson ng aming grupo, nagiging wall decor na lang sya and later on, just one of the names sa roster ng officers.

he tried enrolling again pero hindi na sya sinuportahan ng tita nya. ikaw ba naman ang maging third year for the third year in a row ~ kahit sino siguro, madidismaya. to support himself naghanap sya ng work, nakakita naman.

ram was also demanding more time from me na hindi ko naman kayang ibigay: dahil meron akong meeting dito, position paper na kailangang gawin, discussion na kailangang i-facilitate... the list goes on and on.

feeling nya, unti-unti daw akong nawawala sa buhay nya. naging busy na sya sa work at sa school, dumalang nga ang hindi namin pagkikita.

litanya ng grupo: abala na lang si ram sa gawain ko, sa pakikibaka. ram was pulling me down, sabi nila. nawawala daw ako sa concentration. wala daw maibubungang maganda ang relasyon namin.

totoo naman. mayroong times na natutulala ako, nauubusan ng sasabihin kahit sa gitna ng discussion. laluna pag nag-aaway kami ni ram.

minsan, nagbabangayan na kami sa harap ng iba.

alam ko, kailangan ko nang putulin ang relasyon.
somehow.

ginawa ko naman.

ngayong wala ka na...
nauubusan. natutulala.
sa konsentrasyon, nawawala.
kontradiksyong lumalala ~

hindi ba maaaring magpantay
pag-ibig at pakikibaka?

0 comments: