sodipasko

ilang minuto na lang bagong taon na, pero itong post ko tungkol pa sa nagdaang Pasko.

how do we spend Christmas here? well...

ang aming Christmas tree
umuwi kami ng maaga dahil expected namin, wala naman kaming gagawin on Christmas Eve. buti na lang, meron kaming Christmas tree: nabili sa riyalin, a local term for a bargain shop. actually, patago na ibinebenta ang mga ganito kasi legally, bawal ang Christmas and any other Christian tradition, dito sa Sodi.

si Housemate Guenio, chatting as usual
si Housemate Guenio, as usual, naupo agad in front of his computer to chat with his girlfriend in another Middle East country, his everyday habit for the last three months after kaming magkaroon ng internet connect. after two days, umamin si girlfriend na mayroon nang iba. "ang sakit," sabi nya sa akin, sabay pisil sa pag-itan ng kanyang dalawang mata (with matching tulo ng luha).

si Housemate Rin, feeling clean
first time ni Housemate Rin na mag-Christmas away from his family. actually, first Christmas sana nya ito with his first baby (na unfortunately, inaanak ko). wala yatang magawa, napagdiskitahan nyang maglinis ng kusina ~ in-scrub nya pati ang aming stove na nanggigitata sa mantika habang kumakanta nang paulit-ulit:

"I spend Christmas, over my shoulders..."

iniisip ko kung anong dalawang kanta 'yun pinagsama nya, pero what the heck!

ako: sinisipag ka yata.
sya: wala lang. Pasko e.
ako: a, ok...


at si flatholder Kuyang, ayun... naupo sa kanyang sofa at nagtatawag nang nagtatawag kung kani-kanino (mga kasamahan nya sa Church nila) habang nanonood ng Wowowee. nakikabit (?!? whatta-term) sya sa TFC connexn ng kapitbahay, kaya effective nung Christmas eve meron na kaming alternative sa PinoyTV.

ang aming Christmas cake
"petit fours" ang nakalagay sa cake na binili namin sa aming paboritong supermarket, pero "para lang syang eggpie," ayon kay Housemate Guenio.

nagluto naman ako ng Chicken Afritada at gumawa ng Macaroning Salad, pero wala yata itong dating, kaya two days naming ulam ang chicken.

housemate Rin: akala ko ba, gagawin mong special ang chicken?
ako: special naman 'yan a. nilagyan ko sya ng celery. di ba paborito mo 'yun?

well, mabuti na lang, me party ang mga kabayan sa kapitbahay naming Crowne Blah-Blah Hotel. kaya go na lang kami dun, para lumamon at... ano pa...

New Year's Party on Christmas Eve
tsumika! hehehehe. promise...

pasko na!

stop muna ang Ram series. utak bakasyon ang lolo mula ng Eid Al-Adha. hindi masundan ang nakabiting Asian horror eksena.

Update muna sa mga characters:
clueless pa din ang Ram! daan sya ng daan sa friendster profile ko. nyak-nyak-nyak!
ang Ross, andun sa lungga nya. tinatapos ang kanyang second-degree (BS Nursing).

yung umaaligid-aligid, as usual: me problema. nung sinabi kong hindi ko kayang sagutin ang pang-backdoor nya... hindi na uli dumalaw sa bahay, ni tumawag...

o well, andyan naman si Jeje at mukhang okay kami ulit. graduate muna sa hello-how-are-you-tawag-ka-ulit-andito-ang-boss-ko moments namin daily for more than a month. balik sa sweet-sweetan-ewan! kung hanggang kailan yun, ewan! wish ko lang hanggang 2009 and beyond!

at dahil Christmas, enjoy na lang muna ang sightseeing: sightseeing ng bahay, dahil balak ko na namang lumipat.


Click here to get hot comments and graphics...

Myspace
Christmas Graphics and Comments



o sya, cheers to everybody!
'chos!

ram (part 9)

Part 9
kumpetisyon?

(mula sa series: "ang mga lalaki sa buhay ni red")

si ross1
ross


tawagin natin syang ross.

kwento ni ram, nakilala nya si ross sa MRT station isang madaling araw na pauwi sya galing sa trabaho. may dala-dala daw itong maleta at tila hindi alam kung saan pupunta. nagmagandang loob sya diumano, pinatuloy nya sa kanyang 'condo'. inamin nyang pinakialaman nya ito. nang umuwi daw ito sa Ilocos, naging mag-textmate daw sila.

ilang buwan na raw ang nakaraan nag masimulang mag-text si ross na luluwas sa Maynila para magsama na sila pero lagi daw nya itong pinipigilan. at yun nga, eksaktong dalawang araw bago ako dumating bigla na lang sumulpot si ross sa kanyang 'condo'.

"ano daw balak nya dito?"

"itutuloy daw nya dito ang kanyang modeling career."

tumaas ang kilay ko, natatawa.

inilabas ni ram ang isang gusot-gusot na barong ~ striped, yung tipong nabibili sa mga palengke at ipinaparenta sa mga baryo-baryo (no offense meant); at isang super skimpy na briefs na kulay violet. gamit daw iyon ni ross sa mga modeling competition.

"ano ba 'yan," pakli ni ram. "puro ka-cheapan!"

torete ako. sino ba itong sisira sa aking ilusyon ng pakikibag-balikan kay ram?

2
ang modelo



pero sa isang banda aminadong naintriga ako (err, na-excite?). hindi naman kagandahang lalaki si ross pero matangkad ito at malakas ang dating. typical na ilocano, moreno kahit pa medyo asiwa ang buka ng ilong.

dalawang gabi na kaming magkakasama sa bahay nang magsimula nang maging madaldal si ross. kailangan daw nya ng trabaho. at gusto nyang ituloy ang kanyang modeling career.

"career?" isip ko.

kwento ni ross, nakilala nya si ram sa Cubao MRT station isang madaling araw. mayroon daw tour ang kanilang klase pero dahil hindi naman sya interesado hindi sya sumama sa tour, bagkus, binalak nyang puntahan ang kanyang tiyahin somewhere south of Manila.

ibinaba daw sya ng konduktor ng bus sa kantong iyon at tiyempong nasalubong naman nya si ram. nagmagandang loob daw si ram na tutulungan syang hanapin ang address na pupuntahan pero dahil madaling araw pa lang, kinumbinse syang tumuloy muna sa 'condo' nito.

tinanong ko kung may nangyari sa kanila ni ram. hindi ito sumagot.

3
determination


ikalawang araw ko sa condo ni ram: palagay na ang loob namin ni ross sa isa't-isa, humahaba na ang kwentuhan naming dalawa. nakadagdag siguro na marunong ako ng kaunting Ilokano kaya ganun ang nangyari.

kwento pa ni ross, double degree student sya: nursing at education. principal daw ang kanyang ina at teacher din ang ama na parehong istrikto masyado. tinitipid daw sya sa lahat ng bagay. sa pagsali-sali nya sa mga modeling at bikini contest, nakakaipon daw sya ng pambili ng mga gamit nya na hindi kayang ibigay ng magulang.

dahil bilin ni ram, kinukumbinse ko syang bumalik na lang sa probinsya: mag-aral muli, tapusin ang course nya.

"sayang naman ang nasimulan mo, isang taon na lang pala ga-graduate ka na," 'kako.

"hindi na pwede, kuya," sagot nya. "humingi na ako ng honorary dismissal."

bago daw sya umalis nagkaroon sila ng matinding away ng erpat nya: sinabihan daw sya na hindi sya pinag-aral para mag-kolboy lang.

"masakit naman 'yun," sang-ayon ko.

pakiramdam nya, masyado daw mababa ang tingin sa kanya ng magulang kaya itutuloy daw nya dito ang nasimulang 'modeling career' sa Ilocos.

"patutunayan ko sa kanila na kaya kong abutin ang pangarap ko," paliwanag nya. may go-see daw sya na pupuntahan para sa isang modeling blah-blah.

"kaya ayokong bumalik sa amin nang wala akong narating," dagdag pa nya.

sasabihin ko sanang "ayan, nakarating ka na sa Cubao, malayo na 'yun sa Ilocos, pwede ka nang umuwi." pero hindi na ako nag-giit. may mga tao lang talaga siguro na ganoon ka-determined sa bagay-bagay. isip ko nga, "sana ganoon din ako."

sa ikalawang araw ng pag-stay ko sa condo, saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin si ross ng: "may relasyon ba kayo ni ram?"

pero hindi pa rin sya sumagot.

4
kaladkarin


dalawa nang tanong 'yun na hindi pa sinasagot ni ross, kaya nag-aya na akong matulog.

tipikal na modelo ang pangangatawan ni ross: walang taba, flat na tyan... at makapal na bukol sa harap. hmmmm. sa isang banda, totoo namang inambisyon kong tuklasin ang hiwaga ng bukol na iyon.

"balak 'atang mag-call boy nyan e," naalala kong kwento ni ram nang ipakita sa akin ang t-back na costume ni ross noong unang araw ko sa 'condo.'

"yung profile nya sa friendster, puro picture nya na halos hubad na," dagdag pa nya. "sumasali-sali daw 'yan sa bikini open..."

madami pang sinabi si ram, basta ang ending, "paalisin mo sya dito."

sa mga kwento ni ram, parang masyadong mababa ang pagtingin nya kay ross. tumatak tuloy sa utak ko na 'easy lay' ito.

laging nakahubad si ross kapag natutulog, para bang laging nag-aanyaya. siguro dahil mainit sa condo. o siguro sadyang mainit lang talaga sya ('hot' ~ no doubt about it. hehehe)

iisa lang ang kama. siempre, saan pa kami matutulog kapag naiiwan kaming dalawa?

noong una, may malapad na pagitan sa aming dalawa. nagkunwari akong tulog habang inaabot ang kanyang dibdib. nang tila hindi sya kumikibo, pinagapang ko ang kamay ko pababa, papunta sa kanyang tyan.

tapos, pababa ulit.

matagal ako sa ganoong posisyon ngunit bago pa bumaba sa dapat hantungan ang aking mga palad, naramdaman kong bumangon agad sya.

kung yung mga naikwento ni ross ang basis, gusto kong maniwala na hindi ito ganon kababang tao. at sa nangyari nung gabing yun, sa isip ko, mali ang hinala ko: hindi kaladkaring lalaki si ross.

5
talim


matalim ang mga mata ni ram nang magising ako kinabukasan, pero hindi ko ito pinansin.

alam kong dumating sya nung madaling araw at alam ko ding nagtabi pa sila ni ross sa pagtulog. siguro, may nangyari pa sa kanilang dalawa na hindi ko na namalayan sa sobrang puyat ko. isa pa, wala na talaga akong pakialam.

"inka manganin," pakli ko kay ross nang matapos na kaming mag-almusal ni ram. sa wikang Iluko, pagtawag iyon para kumain na may halong pamimilit.

"wen, apo," sagot naman nya na pagsang-ayon.

may mabigat na aura akong naramdaman. yung aura na parang nanonood ka ng asian horror film. paglingon ko: si ram.

saglit lang na tumingin sa akin: nanunumbat, nag-aakusa. naniningil. naiiyak sa galit. all in one. kung anime ito, isang matalim na kamekame wave ang tumagos sa aking dibdib. tuloy lang ako sa paglalatag ng aking computer habang hinarap naman ni ram ang mga labahan.

narinig kong may nagtext sa aking cellphone, pero hindi ko pinansin dahil mayroon akong mga kailangang tapusin nang araw na 'yon.

nagbabanlaw na ng labahin si ram nang magsawa ako sa pagta-type at basahin ang text.

si ram pala: "wala kang delicadeza! ahas! hindi ka talaga pwedeng pagtiwalaan. tinatraydor nyo ako nang harap-harapan! may sarili pa kayong lenggwahe sa harap ko?"

nang gabing 'yon, may isa pa akong text na natanggap nang pumasok sya sa call center: "umalis ka na dito. ayoko nang makita ang pagmumukha mo pag-uwi ko bukas."

(Next: Part 10 - Gera Mundial)

ram (part 9.5)

5
talim
Ram, Part 9.5
(mula sa series: "ang mga lalaki sa buhay ni red")


matalim ang mga mata ni ram nang magising ako kinabukasan, pero hindi ko ito pinansin.

alam kong dumating sya nung madaling araw at alam ko ding nagtabi pa sila ni ross sa pagtulog. siguro, may nangyari pa sa kanilang dalawa na hindi ko na namalayan sa sobrang puyat ko. isa pa, wala na talaga akong pakialam.

"inka manganin," pakli ko kay ross nang matapos na kaming mag-almusal ni ram. sa wikang Iluko, pagtawag iyon para kumain na may halong pamimilit.

"wen, apo," sagot naman nya na pagsang-ayon.

may mabigat na aura akong naramdaman. yung aura na parang nanonood ka ng asian horror film. paglingon ko: si ram.

saglit lang na tumingin sa akin: nanunumbat, nag-aakusa. naniningil. naiiyak sa galit. all in one. kung anime ito, isang matalim na kamekame wave ang tumagos sa aking dibdib. tuloy lang ako sa paglalatag ng aking computer habang hinarap naman ni ram ang mga labahan.

narinig kong may nagtext sa aking cellphone, pero hindi ko pinansin dahil mayroon akong mga kailangang tapusin nang araw na 'yon.

nagbabanlaw na ng labahin si ram nang magsawa ako sa pagta-type at basahin ang text.

si ram pala: "wala kang delicadeza! ahas! hindi ka talaga pwedeng pagtiwalaan. tinatraydor nyo ako nang harap-harapan! may sarili pa kayong lenggwahe sa harap ko?"

nang gabing 'yon, may isa pa akong text na natanggap nang pumasok sya sa call center: "umalis ka na dito. ayoko nang makita ang pagmumukha mo pag-uwi ko bukas."

(Next: Gera Mundial)