Monday, January 5, 2009
by alimuom.atbp
i dont what it is about the holidays pero laging me masaklap na nangyayari. on new year's eve 2008, it was housemate Lee who discovered his girlfriend was having an affair. this year, it was housemate Guenio. and the date, December 26.
wala naman sana akong balak na makichismax, but that day, i went to Guenio to ask about our internet connection. he was chatting as usual, since its a Friday. unconsciously, i saw the last message on his YM:
"gusto ko muna magkaroon ng space."
i was shocked! alam ko na what it meant, kaya lumayo na ako agad. after an hour or so, pumunta na sya sa akin.
"pwede bang tumambay muna dito?" tanong nya.
"sure," sagot ko na sinundan ng aking ever-maurirat-pero-no-malice-intended expression "why?"
tumingin muna sya sa pinto, tapos isinandal nya ang batok sa sofa.
"magpapalipas lang muna ako ng sama ng loob."
inalis ang salamin at pinisil ang ridge ng ilong sa pagitan ng mga mata. siempre, napaluluha na sya.
"gusto mong pag-usapan?"
"huwag muna..."
lumabas ako ng kwarto. alam ko, tulad ng karaniwang lalaki, hindi ganoon kadali na mag-o-openup si Guenio. at least happy na ako na ako ang una nyang sinabihan.
five years na silang magkakilala ni girlfriend nya, at magka-relasyon sila for the last three years. magkakasama daw sila sa iisang opisina sa Pinas, until naisipan ni Guenio na mag-abroad: sa Qatar. after less than six months, gumawa ng paraan si housemate para makasunod si GF doon.
almost one year ago, nag-Saudi si Guenio kahit may exit-reentry sya sa Qatar. ang implication noon, hindi na sya makakabalik sa Qatar within the next three years kaya hindi nya madadalaw si GF kahit can afford pa sya na pumunta doon every six months dahil sa ganda ng salary package nya ngayon.
as I've said before, ito ang social impact ng migration.
sabi nga ni Guenio, mahirap talaga ang long distance love affair.