kalabaw

Note: One good thing about really taking the weekend off (meaning no meetings to attend, no need to report for work and check the company emails, no friends to comfort and make bwisit your day) aside from being able to clean my mess of a room, air the rugs and sheets, cleaning the closet and the CR, among other trivial issues, was finding the drafts of my old kwentos, circa 1990s. here's a truly memorable one, in a tone and content most unusual for me during those days...

Tulad ng nakagawian, maagang gumising si Toto at kaagad na nagpainit na ng kape. Bumangon na rin si Red upang gawin ang mga karaniwang seremonyas paggising.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa halos isang taon nilang paglakad-lakad na magkasama ay nagkatabi sila sa pagtulog. May patakaran kasi na hindi sya pwedeng makitabi sa pagtulog sa kaninoman, laluna na kung lalaki. Pero dahil maliit lang ang bahay na tinuluyan nila at wala nang pwedeng tulugan, naglatag na lang silang dalawa ng banig sa pagitan ng salansan ng saku-sakong palay.

Malaking bulas si Toto, ang bansag nga sa kanya sa baryo ay nuang (o kalabaw), dahil totoong napakalaki nyang tao. Sa taas na 5'9” at timbang na halos 100 kilo, mapagkakamalan syang mama gayong ang aktwal nyang edad ay disiotso pa lang. Kahit nakaka-intimidate ang kanyang bulas, hindi naman sya 'yun tipong astang siga. Masayahin, palabiro, mapagmahal sa pamilya, mababaw ang luha, at higit sa lahat, masigasig na matuto ~ iyon ang mga katangiang nagpalapit sa kanilang dalawa. Para kay Toto, nakakita sya ng isang mapag-asikasong guro kay Red. Si Red naman, isang malambing na kapatid ang nakita kay Toto.

Nakatuntong naman ng unang taon sa hayskul si Toto, pero dahil 16 anyos na sya nang magsimula ay naging tampulan sya ng tukso ng mga kaeskwela kaya't nawalan na sya ng interes. Dahil dito, mas ginusto ni Toto ang magtrabaho na lang para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

Kahapon ay lumusong sila sa tabon (isang sapa na tinabunan ng lupa ang isang bahagi at ginagawang palaisdaan) para manghuli ng isda). Naiwan sa pampang si Red dahil hindi ito marunong lumangoy kaya't nagkasya na lang ito sa pagtipon ng anumang nahuhuli ng grupo.

kalabaw na iisa ang sungay
“Ayan na ang kalabaw...” pambubuska ng mga kasamahan nila nang magsimulang maghubad ng damit si Toto sa harap ni Red. Hinubad nito ang lahat ng suot, pati brief dahil marurumihan daw ang kanyang puting brief na bagong bili.

Napatingin lang si Red habang iniaabot nito ang lahat ng damit. Noon lang nya napagmasdan ang kabuuan ni Toto.

“May maipagmamalaki nga ang loko,” usal ni Red sa sarili.

Tumatak sa isip nya ang matikas na paninindigan ni Toto na buong yabang na bumuyangyang sa kanyang harapan, at naging balisa si Red buong maghapon.

At nang magtabi sila sa pagtulog kinagabihan, hindi sinasadyang nadama nya ang paninindigang ipinagmamalaki ng kanyang kasama. Nag-init si Red, nadarang, laluna na ng buong layang isiniksik ni Toto ang magiting nitong harapan sa kanyang likuran.

Dinama, tinikman... binigyang pugay ni Red ang paninindigan ni Toto. At ngayong umaga, habang nagliligpit ng mga gamit sa pagtulog, pinakiramdaman nya ang bahid ng pagsisisi.

Naabutan ni Red na tahimik na sumisiim ng kape si Toto, habang nakaupo sa bangko, nakatanaw sa labas ng kusina, sa malawak na bukid sa kanilang harapan.

“Seryoso tayo a,” bati ni Red, habang nagsasalin ng kape sa sartin. Isa sa nakagawian nang tungkulin ni Toto ang pagluluto nya ng purong kapeng barako tuwing umaga at kung maisipan ng mga kasamahan. Tahimik syang tumabi kay Toto sa mahabang bangko, pinagmasdan ang kabukiran habang kumakalat na liwanag. Napansin niyang namumuo ang luha sa mga mata ni Toto.

“Bakit ganon?” bungad ni Toto. “Pakiramdam ko, ipinanganak ako para gamitin.”

Tinapik ni Red ang kaniyang balikat. Ramdam nya ang guilt dahil sa ginawa nya kagabi.

“Yung titser ko nung hayskul, si Mallari, tinulungan nya akong makapag-aral,” putul-putol nyang kuwento habang humihigop ng kape. “Sinagot nya pang-enrol ko, binilhan nya ako ng mga gamit, pero ginamit niya ako. Ginamit niya ako nang ginamit.”

Nagsimulang humikbi si Toto. Inakbayan sya ni Red, hinimas-himas ang balikat, pinapatahan.

“Baboy siya… Binaboy nya ako...”

Napahagulgol na si Toto, tumungo, sapo ang noo ng isang kamay. Hinayaan lang sya ni Red. Gusto sana nyang sabihin na hindi naman lahat ay katawan lang nya ang habol; na nagsisisi sya sa nangyari at ayaw na nyang maulit iyong muli pero para syang naumid. Dahil oo, totoo, mahirap kalimutan ang isang magandang pangyayari.

Nang mahimasmasan, pinunasan ni Toto ang mukha gamit ang laylayan ng suot na texcock…

“'To, ito ang tatandaan mo,” alo na lang ni Red. “Ano man ang nangyari sa 'yo, hindi ka nila pwedeng babuyin kasi hindi ka naman baboy, e.”

Nagulat din si Red sa mga sinasabi nya.

“Tandaan mo 'yan!” pagdidiin pa ni Red habang inaabot ang harapan ni Toto na dagling nanindigan sa konting himas ng palad. “Kasi kalabaw ka! Kalabaw na ang sungay ay iisa, nasa ibaba pa!”

Napahalakhak si Toto sabay hawi sa kamay ni Red.

“Naman e...” bawi ni Toto, parang batang naglalambing. Umakbay pa si Toto, isinuksok ang ulo sa balikat, sabay punas ng mukha sa damit ni Red.

“Salamat kagabi, ha?” bulong pa ni Toto.

Napangiti si Red habang tinutungga ang natitirang kape sa sartin.

Photo of one-horned carabao taken here.

plastic

i'm not a psyshotic psychophatic psychiatrist psychologist, but i know i have a really weird habit. ang tawag nga ni Ex- dun, "ka-eng-engan" ko~ i totally love removing plastic labels and packaging on just about anything i fancy, like softdrinks, mineral water bottles...


shampoo...


gifts. on anything i own, of course. i can't explain it. basta, nag-e-enjoy lang ako na gawin 'yun. para kasing... wala lang! e gusto ko e. bakit ba? walang basagan ng trip! hehehe. joke!

iyon nga isa sa pinag-aawayan namin ni Ex- (well, dati 'yun. year 2004 pa).

so imagine my glee when i discovered that the baththub next to Recky Marten is covered with --- dyaraan! plastic. can you believe it, isang malaking bathtub ang tutuklapan ko ng balot na plastic. just the thought of it, nag-o-orgasm na ako.


kaya pala kahit na anong linis ko ay lagi syang para nanglilimahid. dahil sa takip na plastik. kaya ayan, inisa-isa (err, inunti-unti kong tinuklap ang plastic).


* * *

which brings me to my point (ang layo ng p*!*&#@%-i^% segue): actually, ang pagbabakbak ng plastic sa tub ang climax ng "tamang-linis" ko this weekend. imagine, matapos kong linisin ang buong room ko pati ang CR, nag-decide ako na makipag-break na kay GF. finally.

ang rason, simple lang: ayoko nang magpaka-plastic!

obvious naman siguro 'yun.

pete 6

Pete (last part)
ang mga lalaki sa buhay ni red


kapag magpa-Pasko talaga, karaniwan nang nagpaparamdam ang mga kamag-anak, kabilang na ang mga ex-. siguro dahil akala nila, aambunan sila ng grasya sa ganoong style. sa totoo lang, masakit para sa sinumang OFW na maalala lang kapag manghihingi ng regalo, balato o kahit na nga ba tulong kapag emergency.

hindi ko kilala ang number na nag-register sa missed calls ng office CP, isang hapon bago mag-Pasko kaya nag-return call ako. imagine ang pagkagulat ko nang sya ang sumagot (which ushered the start of this series, on 12 December).

"kumusta na?" bati nya nang magpakilala ako.

tulad pa rin ng dati ang boses nya- gregarious, bubbly, parang wala laging problema. pero this time, halata kong medyo nakainom sya.

dali-dali kong hinanap ang Friendster profile nya. hindi na sya mukhang hipon ngayon. in fact, malaman na sya, laluna sa middle part. epekto ba ng edad o sobrang pag-inom? pero tisoy pa rin ang loko, charming pa rin in a funny kind of way.

"nasaan ka ngayon?" tanong ko.

"sa cavite," ang sagot.

taga-Kalookan sya, anong ginagawa nya dun? lumipat na kaya sila? hmmmm...

nagtanong sya tungkol sa opening, kung matutulungan ko syang humanap ng trabaho. nag-commit ako, as usual. tinanong ko kung kumusta ang work nya... okay naman daw. tingin ko mukhang totoo naman, judging from the pictures i see sa kanyang Friendster profile.

"kumusta ang lovelife," usisa nya.

"okay lang," sagot ko, sabay paliwanag na New Year pa kami magkikita ni Jeje.

"ikaw kinalimutan mo na ako," banggit nya. "ayaw mo na ba sa akin?"

gustong isumbat sa kanya kung paano ako nakikiusap noon para lang balikan nya ako, or at least makipag-usap sya. gusto kong ipaalala sa kanya na minsang nalasing ako at nagkamali siguro syang i-accept ang tawag ko kung paano ako umiyak sa telepono para sabihing hindi ako makahanap ng ibang "baby," kung paanong mahal ko pa sya three months after nya akong talikuran. pero, para que pa, isip ko.

"hindi naman," tanggi ko. ipagpapalit ko ba sya kay Jeje? hindi siguro.

"e paano, baka malaman na naman ng utol mo na may komunikasyon tayo, mapagalitan ka pa..."

"hindi, wala na yun," giit nya. "asan ang Christmas gift ko..."

aminadong medyo nainis ako. tumawag lang pala sya manghingi ng regalo.

hindi ko na pinatagal ang usapan at naghanap na ako ng rason para putulin ang tawag.

pero sa totoo lang, sa kabila ng sakit na iniwan sa akin ng aming paghihiwalay, isa si pete sa mga magaganda kong alaala sa larangan ng pag-ibig. gusto ko sanang iwan na ang mga ala-alang 'yun na ganun.

###

pete 5

saksi
ang mga lalaki sa buhay ni red: pete (part V)

every other week kung lumuwas ako ng Metro Manila para magkita kami ni pete. at saksi ang Rosas Lodge sa EDSA Munoz, ang hindi masyadong pansining motel sa gilid ng creek sa Munoz. well, akala ko lang siguro hindi pansinin ang lugar, pero sa totoo lang, isang wooden-divider lang naman ang humaharang sa mga taong umaakyat at nagche-check in dun para sa umamot ng panandaliang aliw sa mga paraisong parisukat nito.

minsan, sinundo ko sya after work at muling nag-check-in sa Rosas. as usual, alas-sais ng umaga kami maghihiwalay.

masaya kaming nagsalo sa short-time sa kaligayahan, masayang nag-breakfast sa isang kalapit na fastfood at naghiwalay nang parang wala nang makakapaghiwalay sa amin. contented akong bumalik sa Angeles para rumaket.

nagtaka na lang ako kung bakit after nyang sabihin na nakarating na sya sa bahay nila at ready nang matulog ay wala na akong na-receive na text sa maghapon na 'yun. hanggang sa sumunod na araw.

ilang beses ko din syang tinawagan, pero hindi sya sumasagot. gusto ko nang lumipad pabalik sa Maynila pero nasa kalagitnaan na ang tinatapos naming raket kaya hindi ko maiwan.

napapitlag nang mabasa ko ang nag-text after three days: si pete.

"sorry po," start ng text nya. "maghiwalay na tayo. nakita tayo ng kuya ko, paglabas natin."

biglang gumuho ang mundo ko. madaming tanong na hindi masagot, madaming patlang sa kwento na kailangang punuan. pero ano ang gagawin ko kung ayaw na nyang makipag-usap.

at ang piping saksi din palang lugar na iyon ang magiging dahilan ng aming paghihiwalay.

pete 4

ang mga lalaki sa buhay ni red: pete (part iv)


magiliw (sweet) na karelasyon si pete. kahit alam kong puyat sya lagi, hindi sya nakakalimot magtext ng kasweetan - umaga, tanghali o gabi katulad ng Ladies Choice. hindi rin sya madugo (magastos), at burger lang sa Tropical Hut ang katapat pag nagsisiping kami.

minsang nag-day shift sya, nag-set kaming magkita sa isang lugar along EDSA. first time namin iyon na mag-date sa isang mall dahil baka daw may makakita sa kanya na magkasama kami. weird, di ba? considering na sa Grand Central kami nagkakilala.

ipapakilala daw nya ako kay Macell, ang gurl from work na bestfriend daw nya. gusto daw akong makilala.

kinakabahan man, nagkita-kita kami nina Macell sa Food Gallery ng mall na 'yon. dapat daw ay darating ang boyfriend nitong pulis, pero mabuti na lang at hindi ito sumipot (male-late daw).

palagay naman ang loob ko kay Macell, hindi ko lang mapagdugtong kung bakit ingat na ingat si Pete na mag-date kaming dalawa sa mga public places tulad nang mall na ito pero nasasabi nya ang tungkol sa amin sa gerlash na ito na may jowang pulis na nakadestino lang din malapit sa bahay nila.

matapos kumain, nagpaalam din kaagad si Macell dahil makikipagkita nga daw sa boyfriend sa ibang lugar.

"alagaan mo itong bestfriend ko, huh?" bilin nya sa akin bago umalis.

"siempre, mahal ko yata 'tong ungas na 'to," sagot ko naman. nagtawanan kami.

ilang minuto pag-alis nya, nakatanggap si pete ng text: "bes, magtino ka na h. hindi ka na makakahanap ng tulad nya, promise."

palakpak naman siempre ang tenga ng lolo nyo.

pete 3

sizzling
ang mga lalaki sa buhay ni red: pete (part 3)


note: continuation ito ng 'wentong walang 'wenta tungkol kay pete. read part I here and part II here...

nagdesisyon kaming magkikita sa susunod nyang day-off, exactly one-week after. in between, nagligawan kami through text at tawag. the usual: "asan ka na? kumain ka na ba? love u baby! gudnyt! mwah!"


pero bago pa kami nagkahiwalay sa Jollibee, alam ko nang open sya sa relasyong m2m. ang totoo, nanggaling na sya sa isang ganoong relasyon nagtagal din ng ilang buwan. sabi pa nya, mahigit na daw isang taon 'yun bago kami nagkakilala at sa isang lalaking may asawang babae.

dalawang araw bago kami magkita, naging kami na nang sagutin nya ang usual "love u baby" text ko ng: "love u too, hon! missed u!"

matamis na parang unang halik ang una naming pagtatagpo. kumbaga sa pagkain, isang mainit na sizzling sugpo na matagal na binabad sa Sprite, iginisa sa maraming bawang at sinangkutsa sa banana catsup ang inihain nya sa aking harapan. at hindi lang isang beses syang naghain ng hapunan. pagod pa sya nun mula sa duty! hehehe.

no regrets kahit namasahe ako ng bonggang-bongga mula sa field assignment ko sa isang kalapit na probinsya ng central Luzon ~ dun ba sa maraming sugpo at hipon, saka bangus na din!

gets nyo ba ibig ko sabihin? ang hindi maka-gets, size-queen!

pero mas masarap dyan ang version ko, for sure!

salamas

pagkatapos ng workout, dumiretso na ako sa shower / sauna area. naabutan ko dun ang isang hindi tipikal na Arabo: maliit na halos kasingtangkad ko lang, hindi balbon, at sa hilatsa ng mukha ay parang Indianong Kerala (may makapal na bigote). kung mayroon katangi-tanging Arabo sa pisikal nyang anyo, iyon siguro ang pagkakaroon nya ng malaking tyan.

nakatapis lang sya ng twalya, tumutulo ang buhok habang umiinom ng tubig sa tabi ng water dispenser. may sinabi sya pero hindi ko naintindihan kaya tumuloy na ako sa cubicle, binuksan ang shower at hinayaan iyong dumaloy.

bumalik ako sa folding chair na katabi ng water dispenser para hintaying uminit ang tubig sa shower. sya naman ay pumasok na sa steam room.

napansin ko sya kaninang dumating habang nagbubuhat ako dahil kinausap nya si Coach. pero hindi naman sya nag-workout. "siguro'y nag-swimming, o kaya sa squash," isip ko na lang.

wala naman sa loob ko na makipag-chikahan laluna na sa mga dayuhan, kaya diretso lang ako sa routine na inirekomenda ni Coach bago umuwi: lukewarm shower, tapos dry sauna, maikling pahinga, inom ng tubig, steam room, mainit na shower.

pagtapos ng maiksing shower, pumasok na ako sa sauna, isinet ang timer sa 15 minutes. ilang minuto pa, tagaktak na ang pawis ko.

maya-maya ay pumasok din sya sa loob at tumabi sa akin sa ibabang bench. deadma lang. ano ba naman ang kailangang gawin o sabihin. aminadong naiinis ako pero hindi ko ipinahalata. kung ako ang papipiliin, gusto kong mag-isa lang ako sa sauna o sa steam room kasi pwede ko hubarin ang twalya at hayaang pati si junior ay mapreskuhan. pero andun na sya. kaya deadma na lang.

may sinabi syang hindi ko maintindihan. nag-a-attempt yata na makipagkwentuhan sa lokal nilang lenggwahe kaya sinagot ko din sa kaunting nalalaman ko na katumbas ng: "sorry, but i cannot speak your language."

sumandal na ako sa bench, pinilit na i-relax ang pagod na katawan. inikot-ikot ko ang bukong-bukong at ang kamay, tapos hinagod ang dibdib, ang mga braso. napansin kong parang ginagaya nya ang ginagawa ko pero mas malikot, mas marahas. nagpapapansin? tumaas ang kilay ko.

sinubukan kong i-masahe ang aking likod.

nagulat pa ako ng bigla nya hinagod ang aking likod. kinabahan ako, pero ulit deadma na lang. masarap kaya! masakit nga ang likod ko sa mga ipinagawa ni Coach at kahit paano ay mahusay naman ang kanyang pagkakalamas.

mula sa balikat ay bumaba ang kanyang hagod, sa likod, sa baywang, pababa pa sa aking pwetan. hep, iba na ito!

"thank you," sabi ko sabay sandal ulit sa sa bench para hindi na nya mahawakan pa. siempre, military reservation na 'yung gustong puntahan ng maurirat nyang kamay, magagalit na si junjun at si Jeje pag naulit pa yun.

nagmwestra sya na gawin ko din sa kanya ang ginawa nya sa akin. kaya't sa aking abot ng makakaya, hinagod ko din ang balikat nya, ang braso nya, pero dahil pagod na talaga ako, humingi na lang ako ng paumanhin.

nag-concentrate na ako sa pagpapawis at hindi ko na pinansin kung ano man ang ginagawa nya. napansin ko kasing para na naman syang kiti-kiti. ipinikit ko ang mga mata ko, pinilit na gawing blangko ang utak ko. alam ko ang tutunguhin ng ganitong sitwasyon kaya't todo bilin ako kay junior na hwag papalag. masunurin naman ang aking junior.

naglilikot pa rin syang parang kiti-kiti sa bench. maya-maya ay naramdaman kong muling humagod ang kanyang kamay sa aking likod, pababa, pababang muli, hanggang sa military reservation.

inalis ko ang kanyang kamay pero hinila nya ito papunta sa kandungan nya. nakalilis na ang twalya nya, nakalantad ang kanyang sundalo, nakasaludo!

may mga tao na sa labas ng sauna kaya ayokong ma-eskandalo. pero nahawakan ko pa rin ang sundalo. iginiya nya ang aking kamay. hindi kalakihan ang nahawakan ko, konting diperensya lang kay junior pero makapal.

nakaka-isa o dalawang hagod pa lang, bigla nya ding inalis ang kamay ko.

sinapo nya ang kanyang harap, sabay tayo, buhol ng twalya at labas ng sauna. naiwan sa mga twalyang nakalatag sa bench na inuupuan namin ang bakas ng kanyang pagkaduhagi.

napailing na lang ako.

* * *

matapos ang steam sauna at mahabang shower, natagpuan ko syang muli sa locker area; hindi pa rin nagbibihis. mukhang hinihintay talaga ako.

may hitsura naman sya, makinis ang mukhang maamo hindi katulad ng ibang ka-bansa nya (taga-kapit-bansa sya nitong tinutuluyan ko).

nginitian ko sya, isang pagod na ngiti at inasikaso na ang mga gamit ko. sya naman ay nagbihis na. nagsuot sya ng jogging pants at tshirt na pula.

nang pumasok ako sa dressing area na natatabingan ng kurtina para magsuot ng brief, narinig ko na lang ang mga katagang:

"thank you very much."

kasunod nun ang mga yabag na papalayo.

"hay," isip ko na lang. "salamat sa lamas!"